Huwebes, Abril 26, 2012


Tula : Ang Guro

 Mayroon pa kayang
Higit na dakila?
Higit na magiting,
Magandang adhika,

Kaysa mapanuto
Ang lahat ng bata
At maging magalang
Sa bawat matanda

Ating dakilain,
Ang mahal na guro
Sa kanya nagmula
Ginintuang turo
Ang bawat hirap nya
Ay bukal sa puso
Pagkat sa daigdig
Mayroon siyang pangako


source: takdangaralin.com